MARSO
Pero bilang panganay hindi naging mahirap arukin at unawain ang nais nilang iparating lalo na at paulit-ulit ko naririnig kong paanong parehong nagsikap sina Papa at Mama para makatapos ng pag-aaral. Parehong ipinanganak na mahirap pero hindi ginawang hadlang para abutin ang mga pinapangarap sa buhay.
Ipinagmamalaki ko ang kanilang istorya sa buhay. Naging inspirasyon naming apat na magkapatid ang kanilang mga pinagdaanan.
Nagtapos ang aking ina sa kursong Agri-Business at isang Coco Feed Scholar sa Ateneo de Davao University (ADDU), dito niya rin kinuha ang kanyang Masteral Degree. Ang aking ama naman na namulat sa buhay at pamilya ng mga magsasaka ay nagtapos ng kanyang kursong Agriculturist sa Mizamis University.
Pareho silang nagsikap sa iisang layunin: PAGDATING NG ARAW, AYAW NG MAULIT PANG DANASIN NG MGA MAGIGING ANAK ANG KANILANG PINAGDAANAN.
Hindi man kami lumaki na sobrang yaman pero hindi ko masasabing naging mahirap ang buhay dahil simula pagkabata naibigay sa amin ang aming mga pangangailangan. Nag-aral sa private school hanggang magtapos ng kolehiyo.
Hindi ko mapigilan ang magbalik tanaw lalo na nang sumapit ang buwan ng MARSO (March). Kaya naman, sa buong buwan na iyon ay aming naitalakay sa aming programa ni Idol Dagul sa DXAB 1296 ang pagbibigay buhay at pagsasalamin sa iba’t ibang mukha ng pagpapahalaga sa EDUKASYON.
Ang iba’t ibang buhay o ibat’ ibang mukha ng isang ANAK bilang ESDTUDYANTE at isang MAGULANG sa pananaw o pagtingin sa EDUKASYON.
Hindi nga ba’t lumaki tayo na ating naririnig : EDUKASYON ang natatanging kayamanan ang siyang PINAKAMAHALAGANG PAMANA na maibibigay o maihahabilin ng isang magulang sa anak.
Hindi rin mapigilan ang maging emosyonal sa bawat episode na aming binibigyang buhay. Malayo man sa istorya ng aking buhay pero dama ko at sagad sa buto, tagos sa kaloob-looban ang bawat character na ginagampanan.
Sa mga pagtatalakay at pagsasadula, emosyonal man ay hindi ko pa rin napigilan ang mapantastikuhan dahil pumapasok sa aking isipan na sadyang napaka-IRONIC ng buhay. Patunay na talagang ang buhay o sa mundong ito ay WALANG PERPEKTO.
Bakit kamo? Heto ang mga halimbawa:
ANAK NG MAYAMAN:
Hindi lahat pinalad na maging anak mayaman na kayang ibigay ang lahat sa anak, kaya naman aba kung ikaw ay nasa estado na iyan, mag-isip ka, ang swerte mo dahil di iilang tao ang nagnanais na nasa lugar mo, mapalad ka nga dahil kakain at mag-aaral ka lang, hihingi ka lang ng baon, minsan di ka pa makuntento.
Oo na, ang rason mo, oo nga at naibigay sa iyo ang mga material na bagay pero paano naman ang iyong emotional needs??? Oo nga naman dahil mayaman ka, pero dahil sa pagnanais ng parents mo na maibigay ang magandang future, nalimutan na rin nilang di lang pala iyon ang mahalaga. Di lang pera ang sukatan.
Kaya ang rason mo, wala ka kamong gana mag-aral dahil di naman nakikita ng parents mo ang pagsisikap mo.
Oo naroon na tayo, pero sana ito lang paka-isipin mo, hindi habang buhay eh nandiyan sila para ibigay at tustusan ang iyong pag-aaral, sana maging responsible ka na lang, nakita mo ang pagpapalaki nila, matuto ka rin isatinig ang iyong nakikita, bahala na sila kung may epekto man iyon o wala, at kung magka-pamilya ka man, maging gabay mo ito para malaman mo at makita ang kahalagahan ng attention at aspetong emosyonal ng magulang sa anak.
ANAK NG MAHIRAP
Minsan hindi mo mapigilang mag-drama kasi naman, ang lupit ng buhay, nakaka-inggit kapag nakikita mo ang mga mayayaman na nasa kanila na lahat, magandang damit, maraming pera, magagarang sapatos lahatin mo na--- na disin sanay ang buhay ay ganyan.
Pero wag ka, dahil sa estado mo, isa ito sa mga naging motivation o inspirasyon mo para paunlarin ang sarili, magsikap para mai-angat ang buhay at maging maalwan. Kaya nagsisikap kang makapag-aral dahil nakita mo na sa paraang ito makukuha o maaabot mo ang nais mo.
Kaya hindi kataka-taka na gawin lahat ng magulang, makuba na sa kakakayod, nangungutang at halos pati sarili ay ibaon na rin sa utang mapagtapos ka lang sa pag-aaral.
Kaya ikaw, ikaw na nasa ganitong kalagayan, aba, bigyan mo naman halaga ang kanilang pagsisikap, huwag ka naman sanang adentalado o adentalada at walang kwenta na ang isusukli pa ay kanilang ikakasama ng loob.
PERO:
Sa bawat mukhang iyan, may tinatawag talagang PERO , PERO di lahat naman ay ganoon, nasa ugali at disiplina pa rin naman iyan ng bawat individual. Ang punto dito, saan ka man napabilang, tandaan mong bilang individual ay maging responsable ka.
Pakatandaan mong hindi habang buhay bata ka, hindi habang buhay nandiyan sila para magabayan at pagkagastuhan ka. Darating ang araw na ikaw mismo, tatanda at bubuo ng sarili mong buhay. Magkaka-pamilya.
Kaya kung hindi ka marunong magpahalaga sa mga bagay na meron ka, wala ring mangyayari. Ang pera, kahit gaano pa karami mauubos at mauubos rin.
Ikaw pa rin ang nagdadala ng buhay mo. Kung ano ang ginawa mo ngayon, aanihin mo iyon pagdating ng araw. Wala sa estado ng buhay ang basehan sa lahat ng bagay sa mundo.
Life is what you make it sabi nga. Isa din ito sa mga mahahalagang aral na naituro sa akin ng aking mga magulang.
Ang pagkakamali, ang mabigo ay parte na ng buhay, pero hindi ito rason para mag-give up. Instead, gawing patnubay o gabay mo para pag-ibayuhin ang sarili. Tanggapin at kapulutan ng aral.
Sa mga graduates sila ay natutuwa dahil sa wakas nakatapos na rin, welcome sa real world, hindi ibig sabihin nakatapos ka na na eh tapos na rin lahat. Nagsisimula ka pa lang :-)
Sa mga magkokolehiyo: Good luck...Mahaba pa ang lalakbayin. Enjoyin lamang ang buhay pero dapat huwag kalimutan ang iyong priority. ;-)
Sa mag-ha-hayskul: Ang panahon ng pamupukadkad. Ang pagdadalaga at pagbibinata, ang pagbubukas ng kamalayan sa inosenteng kaisipan. Ang panahon ng pagsisimula ng pagkilala sa sarili. Maging responsible dahil sa stage na ito, maraming bagay ang madidiskubre. Tuluyang mabubuksan ang kamalayan sa totoong kalakaran ng buhay. Na hindi lamang paglalaro ang lahat ng bagay :-)
Sa elementarya: Bata ka pa man pero magsisimula na rin ang iyong journey sa buhay. Huwag kalimutan ang mga payo nina nanay at tatay. Huwag magpupumilit na lumaki agad dahil sa totoo lang, iyang ganyang kaisipan ay naranasan ko rin, at aking napatunayan, masarap pala maging bata :-)
SA MGA MAGULANG: Paano ba kayo bibigyan ng sapat at saktong kahulugan? Dahil sa totoo lang, hindi biro ang papel na inyong ginagampanan. Napakalawak. Ginagawa na lahat lahat, pero hindi pa rin natatapos doon. Nasaktan, iniwanan, umiyak, tumawa, lahat na yata...
Hindi man perpekto pero alam kong ginagawa ang lahat magampanan lamang ang inyong responsibilidad. Kaya naman CONGRATULATIONS SA INYO lalo na doon sa nakapagtapos ng mga anak dahil alam kong isang fulfilment ito sa inyong parte, bilang magulang nga ay isa ito sa minimithi niyo na maipamana ang isang napakahalagang kayamanan.
Mahirap na i-define pa kayo, dahil maka-ilang pahina pa ako, hindi kayang isulat ang inyong eksakto at ganap na KAHULUGAN. Mahirap maghanap ng tamang salita na maihahambing sa inyo.
SALAMAT :-)
Iyan ang bukod tanging masasabi ko sa inyong mga paghihirap, pag-uunawa, at pagmamahal. Naisip ko, kung hindi sa inyo, mararating ko ba ang buhay na meron ako???
6 (na) komento:
tars...as i read this post, i was so touched,,,i almost cry...dagdag pa ang background music na "its time for miracles.." hahah :)
tama jud kaayu tar oi, mararating ko kaya ang buhay na meron ako ngayon kung wala and hinde dhil sa parents ko....:)
sobrang swerte mo sa parents mo,,
hindi ko naman ugali ang ma-inggit sa material na bagay kung anu meron ang mayayaman o maykaya sa buhay,mas na-iinggit ako sa mga tao lalong-lalo na sayo kung paano ka pinapatnubayan ng mga magulang mo.
kaya gustong-gusto ko talagang magbasa ng mga sinusulat mo dahil hindi lang sa marami akong napupulot na mahahalagang aral sa buhay,mas nakikilala pa kita..
@monding: oi salamat ha sa pagsubaybay..alam ko may blogs ka rin, baka pag mabakante ako eh ma-visit ko,,,,,
@adine: thanks din,,,kanya kanya tayo ng istorya sa buhay...good or bad, nasa pagdadala iyan...life in this world eh more on survival...failure, part na iyan,,,but be positive lang jud ..trust God of course :-)
looking forward for more posts tara!! :) love jud ayu taka heheh
Nice blog Tara. I will follow this blog. Keep on posting. :)
Hello Helmikuu, thanks ha...I'll just keep posted :-)
Mag-post ng isang Komento