Hindi ako kailanman naging active o fanatic sa mga networking sites maliban na lamang sa Yahoo Mail, kahit pa sabihing sa henerasyon na kinabibilangan ko ay nauso na ang mga social networking sites para di-umano to build connections ay hindi ako ganun interesante.
Sabihin ng “to be in” ay kailangan sumabay ka sa uso. Nandoon iyong kasibulan ng My Space, Multiply, at ang pinaka-popular iyong Friendster na kalaunan din naman nang dumating sa eksena ang Facebook at Twitter ay unti-unting nababawasan ang popularidad. Patunay na noong nakaraang taon 2010 lang, nahirang na top social networking sites ang Facebook at Twitter at isa nga ang Pilipinas sa mga may pinakamataas na users o subscribers. Wala nga namang masama kung sumabay tayo sa kung ano ang uso at higit sa lahat hindi rin naman maikakaila na ang mga networking sites na ito ay nagiging outlet natin kung tayo ay nabo-bored at nagiging daan din sa pakiki-pag-mingle at socialize natin sa ibang tao.
Mahigit isang taon na nang maengganyo akong sumali sa networking sites na Facebook o FB dahil sa nature ng trabaho ko. Nais ko lang ipaalam na dalawa o two real accounts lang po ang existing, iyong djtarataranta@yahoo.com (Tara Taranta) at djtarataranta@ymail.com (djtara taranta) na parehong full na at dalawang fan pages iyong Dj Tara Taranta at iyong Dj Tara Taranta (MOR 101.1 Davao) at bukod dito ay wala na. Kung meron man nakikitang ibang accounts or pages na may name ko, poser po malamang.
Dahil sa trabaho ko ay naging routine ko na rin ang mag-open ng FB lalo’t dito ko madalas sinusulat ang mga latest updates na dapat malaman ng mga kapamilyang walang sawang sumusubaybay sa mga programa ng ABS-CBN mapa-telebisyon man o radyo. At syempre dito ko rin sinusulat ang mga topics ko sa aking programa tuwing gabi.
Hindi ko maitatanggi na nag-eenjoy ako, dahil as a DJ (MOR 101.1 Davao) at Anchorwoman (DXAB 1296 Radyo Patrol), isa ito sa mga naging instrumento para maka-pag-reach out sa mga kapamilyang walang sawang sumusuporta at nakikinig sa aking programa. Tunay nga namang nakakataba ng puso sa tuwing mababasa ko ang kanilang mga iba’t ibang opinions, comments o reactions.
At ito nga, isa sa mga nakaagaw sa aking pansin ay ang mga post sa fan page at personal na mensahe ng mga kapamilya na humihingi ng tulong para di-umano sumikat at maging katulad ko. Hindi ko mapigilang mapangiti at ma-flattered.
Honestly, kailanman sa mahigit limang taon sa industriya, hindi o wala sa isip ko ang salitang “SIKAT” o “SUMIKAT”. Although nandoon na ang realidad na sa larangan ng trabahong pinasok ko ay nandoon at kaakibat ang paniniwalang iyon dahil nga naman makikilala ka at hahangaan ka ng mga tao. Kung napapansin ka ng mga tao iyon ay nakikita nila na magaling o ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo. Oo, hindi naman ako plastic o ipokrita para hindi amining natutuwa ako dahil nakikita ng mga tao ang kakayahan ko, pero kasabay nito, naroon ang katotohanang ang mga papuring iyon ay mas nakakalamang ang motivation ko at lalo pang ma-inspire na gawin ng mabuti ang trabaho ko. Masarap sa pakiramdam na marami ang nagtitiwala at sumusuporta sa kakayahan mo at higit sa lahat mapagsabihan ng mga personal na problema at ma-sabihan ng “THANK YOU” na kahit sa maliit na paraan ay napapagaan ang kanilang mga problema.
Sa totoo lang, nang pasukin ko ang mundo ng radyo, hindi ko inisip ang sumikat. Instead, ito ang paraan ko na mabigyang laya at kabuluhan ang isang bagay na alam kong hilig ko, sabi nga nila, passion. Isang bagay na alam kong doon ako magiging masaya. Mahilig ako sa music, mahilig akong sumulat, mahilig akong um-acting at higit sa lahat, I love talking to people, conversing at magpalitan ng iba’t ibang ideya.
In short, I just did and give justification to what my passion is. Masaya ako sa ginagawa ko, hindi sa dahil gusto kong sumikat kundi dahil sa pagsunod mo sa mga bagay na nagpapaligaya sa iyo, napi-feel mo na nagiging kumpleto ang pagkatao mo. Iyong satisfaction at fulfillment na pakiramdam na masasabi mong isa ito sa mga purposes mo kung bakit ka nabubuhay.
Aanhin mo ba ang kasikatan kung hindi mo naman mahal o hindi ka naman masaya sa mga ginagawa mo? Maaring sikat ka nga pero pakiramdam mo naman parang may kulang sa buhay o pagkatao mo.
Ito lang ang naging reply ko sa mga nag-me-message at nagpo-post sa FB ko, “BAKIT O ANONG RASON MO AT GUSTO MONG SUMIKAT?”
Sa madaling salita, nais kong iparating lalo na sa mga may plano o gustong sumikat, huwag nating gawing sole motivation ang ideyang ito, instead kilalanin mong mabuti ang sarili mo, alamin ang gusto mo at tukuyin ang iyong mga kakayahan at magkaroon ng tiwala at kumpyansa sa sarili.
Tulad halimbawa ng may talento ka sa pag-kanta, pag-sayaw, pag-guhit, pag-sulat o anu-ano pa man, mahalin, hasain, gamitin, ipakita at enjoyin mo, dahil naniniwala ako na as long as mahal at binibigyang halaga mo ang isang bagay na nagpapasaya sa iyo, mag-e-excel ka at magtatagumpay ka sa larangan na tatahakin mo, and the rest will follows.
In short, kung anong meron ka, anumang kakayahan mo, as long as minahal mo at pinapahalagahan mo, ang mga tao sa paligid mo na mismo ang magdadala sa iyo sa nais o minimithi mong paroonan.
5 komento:
nakaka-inspire talaga,
galing mung writer dj tara,
and thanks to god na isa ka sa mga dj ng MOR galing mu kasi hindi lang sa pag-ddj pati na rin sa advices. thats why i really love your show dami ko kasing natutunan,at sa pagbabasa ko ngayon dito,maraming talaga akong narealize na mga bagay-bagay..thank you this blog..sobrang nice
thanks adine:-)
gud day tara!! nice post...tama jud kaayu imung giingon nga "alamin ang tlgang gusto mo at kung ano ang ngpapasaya sa iyo..
tars, pareho kaayu ta ug hilig...as in...sa writing, acting, etc...
dghan ayu ka ug inspiring ga lines...more power tars!! isa ako sa mga napa-pa-inspire moh, hinde dahil gstu kung makipag kaibigan sa katuld mong na e-exposed sa tv or napakinggan sa radio, but honeslty, humahanga ako sayo...i mean the way u give advices, the way how you make people happy...:)
hi monding87 never ko naman iniisip iyong nasa tv or radyo ako dahil sa totoo lang sa labas ng work, pareho lang po tayo,,,wala pong masama kung i-approach ako at kaibiganin...it's my pleasure na maging friends din po ninyong lahat...masarap sa feeling na bsomehow na-iinpire ko kayo, kung may mai-share naman, never naman po akong nagdadamot...thanks for keeping MOR in the background:-)
"like" ..i like being you tara!! you're so simple...bsta tars, ikaw na jud na...i know its ur passion...more power lng jud tars, dont make sawa of making more inspiring topics sa evening na show, sna rin hnd ka mag resign as some djs there did, paanu nalang yan, cnu nalang papalit sa iyo!! hahah C ELEAZAR DIAY NI TARS!! mao ni nga username ako gmit,(mhonding87) sna rin f you hav time, u cn visit my blog..."http://mhonding87.wordpress.com"...thanks tara !!
Mag-post ng isang Komento