Abril 21, 2011

My One & Only Idol

As far as I can remember, it's written right after I graduated from college during my Papa's 50th Birthday, I happen to find it in my old file and I feel like adding this to my blog...

This one's for my Papa :-)

It was a very fine and sunny afternoon while enjoying my catnap in that small cottage.  I was having my one-day summer vacation with my family in one of the beautiful beach in the province of Davao del Sur.  Despite the very kinda-fire or the heat brought by the sun, it didn’t diminish the happiness I felt being with my family again.

Since I graduated from college and luckily landed a job, I really find a hard time to go home or to the province where the rest of my family lives there.  And take note, my mother has been very vocal in her feelings that “nagtatampo na daw sila.”(Laughs)

Though they act that way, I knew very well they really understand the mode of my job.  That’s why I always see to it, that I have a constant communication to them.  (Geez! Thanks to the inventor/s of cellphones!)

I was fully mesmerized and captivated by the scenes and views of the ocean shores when slowly the built of that handsome man comes to the picture!  I can’t help myself but raised my eyebrows as I formed the sweetest smile I ever had.  Ah, my male version! Wherein, where ever perspective, people who seen us said you look like him!  Definitely, of course, because he is my father!

I was still smiling as my whole attention was in him.  Later did I realize one of the reason why we were in that place is we are celebrating his 50th birthday!  Yeah 50 and yet still alive and kicking. I can’t help but reminisce the time when we were still together.  Throughout my  existence, I really adored and admired him.  In fact he was my idol. Truth is, I always looked up to him and made him as my guide in choosing a man to be with when the time come I’ll settle for good.

Ever since he is never really that affectionate. I always look him as strict, firm and very disciplinarian.  How many times did I remember I cried because he easily gets mad and very hard to please.  Emotionless. Many times I wished we could be that close so that I can share with him my thoughts, my feelings and everything that a girl wanted to share as she grown-ups!  But I am not given that chance.  I get more attached to my mother instead.

But for a revelation, his attitude serves to be my inspiration and guide.  The very main reason why I reached my goal and ambitions in life, to what and where I am now.  I owe him a lot. His way of raising me helps me a lot to be a directed, disciplined, and responsible person.  I really thanked God for giving me such one.

He really is a father in his own way and truly deserves to be commended!  
This column is one way of telling him how much he is loved, appreciated and admired and respected.  Thank you so much Pa for all the things you have done.  Words may not be enough but I want you to know I really really love you and will ever will.

Abril 08, 2011

 MARSO

Mula sa aking pagkabata ay iminulat sa amin ng aming magulang ang kahalagahan ng edukasyon.  Kung paano parang sirang plaka na paulit-ulit na lang iyong bukambibig nila.  Sa munting isip ay hindi pa iyon abot ng aking pang-unawa lalo na at maturingan pang bata, masasabi mong buhay ay tungkol lamang sa paglalaro at tila walang paki-alam sa totoong takbo ng mundo.

Pero bilang panganay hindi naging mahirap arukin at unawain ang nais nilang iparating lalo na at paulit-ulit ko naririnig kong paanong parehong nagsikap sina Papa at Mama para makatapos ng pag-aaral.   Parehong ipinanganak na mahirap pero hindi ginawang hadlang para abutin ang mga pinapangarap sa buhay.

Ipinagmamalaki ko ang kanilang istorya sa buhay.  Naging inspirasyon naming apat na magkapatid ang kanilang mga pinagdaanan.

Nagtapos ang aking ina sa kursong Agri-Business at isang Coco Feed Scholar sa Ateneo de Davao University (ADDU), dito niya rin kinuha ang kanyang Masteral Degree.  Ang aking ama naman na namulat sa buhay at pamilya ng mga magsasaka ay nagtapos ng kanyang kursong Agriculturist sa Mizamis University.

Pareho silang nagsikap sa iisang layunin: PAGDATING NG ARAW, AYAW NG MAULIT PANG DANASIN NG MGA MAGIGING ANAK ANG KANILANG PINAGDAANAN.

Hindi man kami lumaki na sobrang yaman pero hindi ko masasabing naging mahirap ang buhay dahil simula pagkabata naibigay sa amin ang aming mga pangangailangan.  Nag-aral sa private school hanggang magtapos ng kolehiyo.

Hindi ko mapigilan ang magbalik tanaw lalo na nang sumapit ang buwan ng MARSO (March).  Kaya naman, sa buong buwan na iyon ay aming naitalakay sa aming programa ni Idol Dagul sa DXAB 1296 ang pagbibigay buhay at pagsasalamin sa iba’t ibang mukha ng pagpapahalaga sa EDUKASYON.

Ang iba’t ibang buhay o ibat’ ibang mukha ng isang ANAK bilang ESDTUDYANTE at isang MAGULANG sa pananaw o pagtingin sa EDUKASYON. 

Hindi nga ba’t lumaki tayo na ating naririnig : EDUKASYON ang natatanging kayamanan ang siyang PINAKAMAHALAGANG PAMANA na maibibigay o maihahabilin ng isang magulang sa anak.

Hindi rin mapigilan ang maging emosyonal sa bawat episode na aming binibigyang buhay.  Malayo man sa istorya ng aking buhay pero dama ko at sagad sa buto, tagos sa kaloob-looban ang bawat character na ginagampanan.

Sa mga pagtatalakay at pagsasadula, emosyonal man ay hindi ko pa rin napigilan ang mapantastikuhan dahil pumapasok sa aking isipan na sadyang napaka-IRONIC ng buhay.  Patunay na talagang ang buhay o sa mundong ito ay WALANG PERPEKTO. 

Bakit kamo?  Heto ang mga halimbawa:

ANAK NG MAYAMAN:

Hindi lahat pinalad na maging anak mayaman na kayang ibigay ang lahat sa anak, kaya naman aba kung ikaw ay nasa estado na iyan, mag-isip ka, ang swerte mo dahil di iilang tao ang nagnanais na nasa lugar mo, mapalad ka nga dahil kakain at mag-aaral ka lang, hihingi ka lang ng baon, minsan di ka pa makuntento.

Oo na, ang rason mo, oo nga at naibigay sa iyo ang mga material na bagay pero paano naman ang iyong emotional needs???  Oo nga naman dahil mayaman ka, pero dahil sa pagnanais ng parents mo na maibigay ang magandang future, nalimutan na rin nilang di lang pala iyon ang mahalaga.  Di lang pera ang sukatan.

Kaya ang rason mo, wala ka kamong gana mag-aral dahil di naman nakikita ng parents mo ang pagsisikap mo.

Oo naroon na tayo, pero sana ito lang paka-isipin mo, hindi habang buhay eh nandiyan sila para ibigay at tustusan ang iyong pag-aaral, sana maging responsible ka na lang, nakita mo ang pagpapalaki nila, matuto ka rin isatinig ang iyong nakikita, bahala na sila kung may epekto man iyon o wala, at kung magka-pamilya ka man, maging gabay mo ito para malaman mo at makita ang kahalagahan ng attention at aspetong emosyonal ng magulang sa anak.

ANAK NG MAHIRAP

Minsan hindi mo mapigilang mag-drama kasi naman, ang lupit ng buhay, nakaka-inggit kapag nakikita mo ang mga mayayaman na nasa kanila na lahat, magandang damit, maraming pera, magagarang sapatos lahatin mo na--- na disin sanay ang buhay ay ganyan.

Pero wag ka, dahil sa estado mo, isa ito sa mga naging motivation o inspirasyon mo para paunlarin ang sarili, magsikap para mai-angat ang buhay at maging maalwan.  Kaya nagsisikap kang makapag-aral dahil nakita mo na sa paraang ito makukuha o maaabot mo ang nais mo.

Kaya hindi kataka-taka na gawin lahat ng magulang, makuba na sa kakakayod, nangungutang at halos pati sarili ay ibaon na rin sa utang mapagtapos ka lang sa pag-aaral.

Kaya ikaw, ikaw na nasa ganitong kalagayan, aba, bigyan mo naman halaga ang kanilang pagsisikap, huwag ka naman sanang adentalado o adentalada at walang kwenta na ang isusukli pa ay kanilang ikakasama ng loob.

 PERO:

Sa bawat mukhang iyan, may tinatawag talagang PERO , PERO di lahat naman ay ganoon, nasa ugali at disiplina pa rin naman iyan ng bawat individual.  Ang punto dito, saan ka man napabilang, tandaan mong bilang individual ay maging responsable ka.

Pakatandaan  mong hindi habang buhay bata ka, hindi habang buhay nandiyan sila para magabayan at pagkagastuhan ka.  Darating ang araw na ikaw mismo, tatanda at bubuo ng sarili mong buhay.  Magkaka-pamilya.

Kaya kung hindi ka marunong magpahalaga sa mga bagay na meron ka, wala ring mangyayari.  Ang pera, kahit gaano pa karami mauubos at mauubos rin.

Ikaw pa rin ang nagdadala ng buhay mo.  Kung ano ang ginawa mo ngayon, aanihin mo iyon pagdating ng araw.  Wala sa estado ng buhay ang basehan sa lahat ng bagay sa mundo.

Life is what you make it sabi nga.  Isa din ito sa mga mahahalagang aral na naituro sa akin ng aking mga magulang.

Ang pagkakamali, ang mabigo ay parte na ng buhay, pero hindi ito rason para mag-give up.  Instead, gawing patnubay o gabay mo para pag-ibayuhin ang sarili.  Tanggapin at kapulutan ng aral.

Sa mga graduates sila ay natutuwa dahil sa wakas nakatapos na rin, welcome sa real world, hindi ibig sabihin nakatapos ka na na eh tapos na rin lahat.  Nagsisimula ka pa lang :-)

Sa mga magkokolehiyo: Good luck...Mahaba pa ang lalakbayin.  Enjoyin lamang ang buhay pero dapat huwag kalimutan ang iyong priority. ;-)

Sa mag-ha-hayskul: Ang panahon ng pamupukadkad.  Ang pagdadalaga at pagbibinata, ang pagbubukas ng kamalayan sa inosenteng kaisipan.  Ang panahon ng pagsisimula ng pagkilala sa sarili.  Maging responsible dahil sa stage na ito, maraming bagay ang madidiskubre.  Tuluyang mabubuksan ang kamalayan sa totoong kalakaran ng buhay.  Na hindi lamang paglalaro ang lahat ng bagay :-)

Sa elementarya:   Bata ka pa man pero magsisimula na rin ang iyong journey sa buhay.  Huwag kalimutan ang mga payo nina nanay at tatay.  Huwag magpupumilit na lumaki agad dahil sa totoo lang, iyang ganyang kaisipan ay naranasan ko rin, at aking napatunayan, masarap pala maging bata :-)

SA MGA MAGULANG: Paano ba kayo bibigyan ng sapat at saktong kahulugan?  Dahil sa totoo lang, hindi biro ang papel na inyong ginagampanan.  Napakalawak.  Ginagawa na lahat lahat, pero hindi pa rin natatapos doon.   Nasaktan, iniwanan, umiyak, tumawa, lahat na yata...

Hindi man perpekto pero alam kong ginagawa ang lahat magampanan lamang ang inyong responsibilidad.  Kaya naman CONGRATULATIONS SA INYO lalo na doon sa nakapagtapos ng mga anak dahil alam kong isang fulfilment ito sa inyong parte, bilang magulang nga ay isa ito sa minimithi niyo na maipamana ang isang napakahalagang kayamanan.

Mahirap na i-define pa kayo, dahil maka-ilang pahina pa ako, hindi kayang isulat ang inyong eksakto at ganap na KAHULUGAN.  Mahirap maghanap ng tamang salita na maihahambing sa inyo. 

SALAMAT :-)

Iyan ang bukod tanging masasabi ko sa inyong mga paghihirap, pag-uunawa, at pagmamahal.  Naisip ko, kung hindi sa inyo, mararating ko ba ang buhay na meron ako???

Marso 23, 2011

Magpapatulong para SUMIKAT???

Hindi ako kailanman naging active o fanatic sa mga networking sites maliban na lamang sa Yahoo Mail, kahit pa sabihing sa henerasyon na kinabibilangan ko ay nauso na ang mga social networking sites para di-umano to build connections ay hindi ako ganun interesante.  

Sabihin ng “to be in” ay kailangan sumabay ka sa uso.  Nandoon iyong kasibulan ng My Space, Multiply, at ang pinaka-popular iyong Friendster na kalaunan din naman nang dumating sa eksena ang Facebook at Twitter ay unti-unting nababawasan ang popularidad.   Patunay na noong nakaraang taon 2010 lang, nahirang na top social networking sites ang Facebook at Twitter at isa nga ang Pilipinas sa mga may pinakamataas na users o subscribers.  Wala nga namang masama kung sumabay tayo sa kung ano ang uso at higit sa lahat hindi rin naman maikakaila na ang mga networking sites na ito ay nagiging outlet natin kung tayo ay nabo-bored at nagiging daan din sa pakiki-pag-mingle at socialize natin sa ibang tao.  

Mahigit isang taon na nang maengganyo akong sumali sa networking sites na Facebook o FB dahil sa nature ng trabaho ko.  Nais ko lang ipaalam na dalawa o two real accounts lang po ang existing, iyong djtarataranta@yahoo.com (Tara Taranta) at djtarataranta@ymail.com (djtara taranta) na parehong full na at dalawang fan pages iyong Dj Tara Taranta at iyong Dj Tara Taranta (MOR 101.1 Davao) at bukod dito ay wala na.  Kung meron man nakikitang ibang accounts or pages na may name ko, poser po malamang.

Dahil sa trabaho ko ay naging routine ko na rin ang mag-open ng FB lalo’t dito ko madalas sinusulat ang mga latest updates na dapat malaman ng mga kapamilyang walang sawang sumusubaybay sa mga programa ng ABS-CBN mapa-telebisyon man o radyo.  At syempre dito ko rin sinusulat ang mga topics ko sa aking programa tuwing gabi.

Hindi ko maitatanggi na nag-eenjoy ako, dahil as a DJ (MOR 101.1 Davao) at Anchorwoman (DXAB 1296 Radyo Patrol), isa ito sa mga naging instrumento para maka-pag-reach out sa mga kapamilyang walang sawang sumusuporta at nakikinig sa aking programa.  Tunay nga namang nakakataba ng puso sa tuwing mababasa ko ang kanilang mga iba’t ibang opinions, comments o reactions.

At ito nga, isa sa mga nakaagaw sa aking pansin ay ang mga post sa fan page at personal na mensahe ng mga kapamilya na humihingi ng tulong para di-umano sumikat at maging katulad ko.   Hindi ko mapigilang mapangiti at ma-flattered.  

Honestly, kailanman sa mahigit limang taon sa industriya, hindi o wala sa isip ko ang salitang “SIKAT” o “SUMIKAT”. Although nandoon na ang realidad na sa larangan ng trabahong pinasok ko ay nandoon at kaakibat ang paniniwalang iyon dahil nga naman makikilala ka at hahangaan ka ng mga tao.  Kung napapansin ka ng mga tao iyon ay nakikita nila na magaling o ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo.  Oo, hindi naman ako plastic o ipokrita para hindi amining natutuwa ako dahil nakikita ng mga tao ang kakayahan ko, pero kasabay nito, naroon ang katotohanang ang mga papuring iyon ay mas nakakalamang ang motivation ko at lalo pang ma-inspire na gawin ng mabuti ang trabaho ko.  Masarap sa pakiramdam na marami ang nagtitiwala at sumusuporta sa kakayahan mo at higit sa lahat mapagsabihan ng mga personal na problema at ma-sabihan ng “THANK YOU” na kahit sa maliit na paraan ay napapagaan ang kanilang mga problema.

Sa totoo lang, nang pasukin ko ang mundo ng radyo, hindi ko inisip ang sumikat.  Instead, ito ang paraan ko na mabigyang laya at kabuluhan ang isang bagay na alam kong hilig ko, sabi nga nila, passion.  Isang bagay na alam kong doon ako magiging masaya.  Mahilig ako sa music, mahilig akong sumulat, mahilig akong um-acting at higit sa lahat, I love talking to people, conversing at magpalitan ng iba’t ibang ideya.

In short, I just did and give justification to what my passion is.  Masaya ako sa ginagawa ko, hindi sa dahil gusto kong sumikat kundi dahil sa pagsunod mo sa mga bagay na nagpapaligaya sa iyo, napi-feel mo na nagiging kumpleto ang pagkatao mo.  Iyong satisfaction at fulfillment na pakiramdam na masasabi mong isa ito sa mga purposes mo kung bakit ka nabubuhay.

Aanhin mo ba ang kasikatan kung hindi mo naman mahal o hindi ka naman masaya sa mga ginagawa mo?  Maaring sikat ka nga pero pakiramdam mo naman parang may kulang sa  buhay o pagkatao mo.

Ito lang ang naging reply ko sa mga nag-me-message at nagpo-post sa FB ko, “BAKIT O ANONG RASON MO AT GUSTO MONG SUMIKAT?”

 Sa madaling salita, nais kong iparating lalo na sa mga may plano o gustong sumikat, huwag nating gawing sole motivation ang ideyang ito, instead kilalanin mong mabuti ang sarili mo, alamin ang gusto mo at tukuyin ang iyong mga kakayahan at magkaroon ng tiwala at kumpyansa sa sarili. 

Tulad halimbawa ng may talento ka sa pag-kanta, pag-sayaw, pag-guhit, pag-sulat o anu-ano pa man, mahalin, hasain, gamitin, ipakita at enjoyin mo, dahil naniniwala ako na as long as mahal at binibigyang halaga mo ang isang bagay na nagpapasaya sa iyo, mag-e-excel ka at magtatagumpay ka sa larangan na tatahakin mo, and the rest will follows.

In short, kung anong meron ka, anumang kakayahan mo, as long as minahal mo at pinapahalagahan mo, ang mga tao sa paligid mo na mismo ang magdadala sa iyo sa nais o minimithi mong paroonan.